One week na lang ako mag-stay sa Kolin. Resign na kasi ako. Matatapos na ang mga araw ko bilang isang Graphic Artist at Designer for Visual Merchandising. Tinatanong ng karamihan kung ano ang kapalit na trabaho na gusto ko. Sabi ko, wala pa at hindi rin naman ako naghahanap dahil ang mga gusto kong trabaho ay hindi matatagpuan sa classified ads.
Uunahin ko na ang apat na dream jobs na ginawan ko ng photo editings dati:
SUNDALO:
Oo, may pagka warfreak po ako. Gusto ko ang tunog ng bakbakan, kapow, ratatatatat an bagoom! Gusto ko rin po ang training dahil siguradong mawawala ang lahat ng cholesterol at bad elements sa katawan ko. Gusto ko din yun tipong stealth ang labanan. Astig din ang uniform nila, lalo na kung member ka ng top ranking elite forces.
Sa ngayon, Malabo na maging sundalo ako. Pero, di bale, matagal nanaman akong Sundalo ni God. Keep on the Firing Line! Mas challenging ata kalabanin ang evil forces, kasi kapag nakipag gerahan ka ng ganun, hindi namamatay ang kalaban mo.
Kung tutuusin eh nabibigyan pa sila ng real life kapag na convert sila. Astig dba maging Warrior of God? At sa bawat laban na napagtatagumpayan, para kang Super Sayan na nadadagdagan ang level of Power. Taob sila Son Goku at Majin Bu dito. Habang lumalaban lalong lumalakas. Ang astig pa dito ay kumakalaban ka sa mga invisible forces, at ang pinaka astig sa lahat eh napakalakas ng Back up mo, walang katalo-talo. Kaya nga Put on the Armor of God.
MARINO:
Gusto ko ang mundo ng karagatan dito sa planet Earth. Masarap nga siguro maging kapitan ng Barko or maging explorer underwater. Siguro kasi ang dagat ang hindi pa mashado na-e-explore ng tao, kaya hindi pa mashado marumi. (hehe) Gusto ko makakita ng mga dolphins, balyena, giant squids at si Nemo. Gusto ko rin ituloy yun collection ko ng sea shells at starfish. Para kasing may sariling mundo ang underwater world.
Bukod pa dun, gusto ko kasi makasama sa expedition dito sa planet earth. Gusto ko malaman ang wonders ng creation, malaman ang buhay buhay ng lahat ng living creature. Okay din naman maging Piloto, kaso napakabilis ng byahe, hindi na ako magkakaroon ng time to observe. I want to know the truth about the earth and why God did create it. Gusto ko rin ma-experience.
Exciting din kasi maglakbay sa dagat, minsan mainit, minsan mabagyo. Masaya yun, para di naman mashadong boring ang buhay.
Masaya rin siguro banggitin ang “Aye! Aye! Captain!”
Masaya naman talaga ang expedition ng buhay ko. Hindi boring, ang dami ngang challenges. Buti na lng may training ako bilang Warrior of God.
Kaya “aye! Aye! CAPTAIN!”
ASTRAUNAUT:
Hindi po dahil “I NEED SPACE.” Na kadalasan banggitin ng mga mag BF-GF pag gusto nila mag cool-off. Astig ata maging astraunaut, OUTER SPACE! Baka ma-meet ko pa dun ang Pulis-Pangkalawakan na si Papa Shaider. Grabe, imagine the thrill of traveling to the inknown with amazing sights of the stars and the MOON. Gusto ko talaga ang moon.
Kung exciting ang expedition sa Earth, eh lalo na siguro ang expedition sa Outer Space. Astranaut na rin naman ako eh, biruin mo I’m traveling towards the third Heaven, or in common term, HEAVEN. Eenjoyin ko na lang ang byahe. Mag oobserve. Hindi ko alam ang haharapin ko, pero okay lang yun, anjan naman si Boss Almighty.
FIREMAN:
Exciting maging bombero! Eto ang profession na kapag sumakay ka sa sasakyan eh nakasabit ka! Thrilling ang byahe, liban na lang kung heavy traffic, dba? Tapos tutulong ka patayin yun fire na lumalamon sa bahay, at, kapag may mahalagang tao na na stuck sa loob, susugurin mo yun para iligtas sya. Unsung hero!
Syempre, bilang Warrior of God, eh tumutulong tayo ma-extinguish ang fire dito sa earth. Mga FireMan tayo. Mga unsung hero. As firman of God tayo un mga agents para i-extinguish ang fire sa hearts ng mga tao, at mahanap ang importanteng nilalaman sa bawat puso.
(Wow. Di ko maintindihan… bakit ganito ako magsalita lately.)
Yan po ang top jobs na gusto ko.
Siyempre di mawawala ang mga sumusunod:
KARPENTERO: Gusto ko kasi ng magandang bahay, at kung pwede ako sana ang magco-construct. I also want a home na may big heart kay God.
NINJA: Gusto ko kasi tumalon talon from one bubong to another.
PIRATA: Mahilig kasi ako sa mapa at compass
LEGOLAS: May gusto kasi ako panain
HARRY POTTER: Gusto ko magkaroon ng Kwago at Nimbus 2000
PARTNER NI SHAIDER: Para superhero family kami
NAWAWALANG UNICA IHA NI BILL GATES: No need to ask why
SAKURAGI: Love ko talaga ang sport na basketball
IPPO: Ay ayoko maging sya, isa pala sya sa mga Boy Friend ko.
SAMURAI WARRIOR: Gusto ko ang hitten mitsurugi ni Kenshin
DETECTIVE: Good exercise for the brain. Disipulo kasi ako ni Sherlock Holmes at ni Eugene Kiniban: ang Detective ng Spiritual na Mundo. Magiging Class S na Halimaw ako. Bwahahahahar!
-------
Sayang nga lang wala yang mga trabahong yan sa Classified Ads. Edi sana todo apply na ako.
Excited na ako matapos sa Kolin. Pero sa totoo lang ma-mimiss ko ang Kolin. Excited na ako mamulubi, at mabuhay ng malayo sa career, a step closer sa ministry.
Para sa mga nagulat sa pinagsusulat ko, di nakaintindi o na-weirduhan. I understand. Nasa ibang mundo kasi ako ngayon, sama kayo minsan. Di kayo magsisisi.
-----
ART: Seryosong Hindi
Sige na titigilan ko na ito: Kailangan ko lang i-release ang the Force Within
No comments:
Post a Comment