14.4.09
184: Komposisyon ng Walang Tulog [Bow]
Ilang gabi na rin akong hindi makatulog. Hindi ito maganda sa pakiramdam. Nakakabagot makipag-bonding twing madaling araw sa unan, kumot at kama na tila hindi kayo magkasundo kung anung pwesto ng pagtulog ang gagawin upang tuluyan nang maka-idlip. Minsan, lilibangin ka na lang rin ng butiking nakakapit sa kisame at lalo ka pang magigising kung may biglang lumipad na ipis a nagfi-feeling soaring high sa iyong silid na nananahimik.
Hindi ko alam ang sanhi ng aking pagka-walan ng tulog. Una, ang akala ko, hindi lang siguro ako sanay sa no-work schedule simula nung umalis ako sa trabaho. Nabigla siguro sa biglang pahinga. Nagkaroon ako ng trangkaso sa unang araw ng bakasyon. Hanep diba? At nagpabalik-balik ang sakit sa loob ng dalawang linggo.
Pangalawa, nagsimula rin ito nang simulan kong basahin ang History of Architecture na libro. Hindi ko alam kun nag-evolve na nang tuluyan ang allergy ko sa Interior Design o Na-stress siguro masyado ang utak ko sa information overload. Dapat nga eh napagod ang utak ko, pero sa kabaligtaran, na-stimulate ata ito. At kahit bagsak na ang katawan ko, gusto ko pa rin magbasa ng magbasa kahit hindi naman ito gaanong tumatatak sa aking isipan. Kailangan ko ito tandaan para sa pinapangarap na Board Exam.
Speaking of board exam, nakadagdag din sa aking alalahanin ang walang kasiguraduhan kung makukuha ko nga ba ang exam na ito, o uli nanaman akong mabibigo.
Problema sa pangalan: ilang taon ko na itong problema. Tatlong taon na akong nagtatrabaho pero wala pa rin akong Transcript of Records at Diploma. Buti na lamang ay meron akong angking galing upang matanggap sa mga trabaho (I feel hangin…). Hindi ko maintindihan kung bakit ayaw ibigay ang transcript of records ko gayung wala naman iba pang gamit eto sa Kolehiyong pinagtapusan ko, sa simpleng papel na ito na maaaring mag-usad sa aking career kung meron man.
Eto na ang walang kamatayang pag asikaso ng legal documents na kinailangan ng idaan sa fixer dahil hindi ko na alam ang gagawin pa. Dalawang linggong paghihintay, kung aprubado ba o hindi.
At sa wakas! August 12, 2008 - Ang tatlong taon kong paghihintay ay natapos na sa araw na ito! Aprub ang mga papeles at may apelido na akong totoo- board exam - here I come!
Pa-pakanta na sana ako ng “Ice-cream, ice cream, ang sarap-sarap” nang biglang sumingit ang isang pamilyar na tunog… “teeteet-teeteet” ang pang-istorbong tunog ng aking cellphone.
Isang mensahe mula sa aking ina, kailangan nya ng guestbook at ako ang gagawa. Nyaks! Oo nga pala, kinabukasan na ang kasal!
Kaya isang gabing walang tulog ang biglang nagkasilbi kahit papaano. Pinaglamayan ko ang super-personalized guestbook ng kasal. Ayuz, moment to shine in my mom’s eyes. Walastic ang guestbook - one of a kind.
Walang tulog - pero may kasal pang dadaluhan. Pinilit kong pumikit kahit saglit, pero ang aking diwa ay naglalakbay pa rin. Kaya pumunta na ako sa kasal. Naligaw pa ako sa paghanap ng venue. Ayuz tlga, pero buti na lng nasa hotel pa lng ang mga ikakasal, kaya instant tagabitbit ang naging role ko sa special occasion na yun.
Habang pinapanuod ko ang kasal, biglang sumagi sa isip ko, teka… kahapon, pareho na kami ng apelido ng Nanay ko, tapos kinakasal na sya ngaun. Ibig sabihin, magpapalit na rin sya ng apelido.
Mahusay,mahusay, siguro,kahit papaano, naranasan ko ng isang araw ang pagiging fully-same-surname kami ng nanay ko. Walastik tlga!
August 13, 2008, kinasal ang nanay ko, first kasal na dinaluhan ko,
first time ko makakain ng special cake ng event,
at first time ko rin kumanta ng videoke sa harap ng maraming tao.
Hindi ko alam bakit kumanta ako sa madla, siguro epekto na rin ng walang tulog, pati sarili ko - hilo na.
Kaya eto, madaling araw na, gising pa rin at pilit nag-papa-antok habang itinititik ko ang komposisyon na ito.
Lasing na ako sa mga iba’t ibang pangyayari, kaya siguro, eto, ang daldal ko.
Salamat sa pagbasa, sana makatulog na ako.KIOKS!
(August 13, 2008)

Subscribe to:
Post Comments (Atom)
No comments:
Post a Comment