14.4.09

185: Komposisyon ng Bagong Gising [Hikab]

Kung ang Toy Story 1 ay may Toy Story 2, kung ang Shrek 1, ay may Shrek 2, at ang Dark Knight ay may part two na Prom Night (???Rog!???), papahuli ba naman ako? Syempre may sequel din ang komposisyon ko kaninang madaling araw.
Sa wakas, masasabi ko rin na naging mahaba ang tulog ko, 7 hours. Siguro dahil wala naman akong ibang aalalahanin pa sa ngayon. Pwede ako mag relak-relak muna.
Mali ang oras dito sa Friendster, 10:56 pm ko daw nag-post dito sa bulletin board. Pero pasada 1:00 am ko itinitik ang “Komposisyon ng Walang tulog”. Hindi ayos ang world time setting. Kaya ngaun pa lang, sinasabi ko na 9:00 am na.
Nakakaramdam na ako ng kaba sa nalalapit na board exam. Tatlong taon na rin akong walang kinalaman sa Interior Design kaya isa sa mga unang naisip ko sa paggising ko ang ipagpatuloy ang pagbabasa.
Pero… naalala ko ang isang text message na galing sa isang kaibigan,
“Whenever I feel like working….
I lie down unil the feeling is gone.”
Kaya naisip ko, humiga muna ng mas matagal, and then…
[ting!(sound epek) sabay ilaw ng isang naninilaw na bumbilya sa aking bumbunan.] Epektib nga ang text message. Wise indeed!
Hindi muna ako mag-aaral sa araw na ito. Bubwelo lang ako. Magpapahinga ng buong araw. I-kokondisyon ang utak sa bugbug na matatanggap nito sa darating na dalawang buwan, para maka-iwas sa stress. At higit sa lahat, ay lalapit ako ng matindi kay Boss Almighty… hay. Sakto prayer meeting mamaya. Pero, araw araw ko na itong nilalapit, kaya, ngiti lng ako lagi kapag nagsisimula na akong kabahan at magpanic.
Relaxation day: Kinain ko ang mga natitira pang cake ng kasal. This could be the start of something new. Kagaya ng Nanay ko na nagsisimula ng kanyang bagong buhay, ganun din ako uumpisahan ko sa pagkain ng cake. Maraming pagkain sa ref, tahimik ang bahay, makalat ang kwarto. Hangover ng pagmamadali nitong mga nakaraang araw at lamayan sa guestbook.
Moment ko na magligpit, maglaba, at tuluyang linisin ang paligid. Hay, sana lang wag ako magkasakit. Kapag nakasagap ako ng alikabok na mula sa paglilinis, sumasama ag pakiramdam ko.
Moment para kamustahin ang mga kaibigan,resbakan ang mga kaaway at inggitin ang mga nasa trabaho. Dahil simula bukas, ang makakaharap ko na lamang ay libro, gel pen in multi colours at sketch pad.
Moment ko na mag-exercise dahil lolobo ako sigurado sa pag-aaral. Pero ang moment na to, tila ayokong gawin.
Moment ko na mag-sound trip, last week kasi habang nagbabasa ako may music. Mas name-memorize ko pa ang lyrics ng kanta kesa sa ina-aral ko. Isa itong malaking problema. I can’t live without music.
Moment ko na mag-picture taking. Para meron akong remembrance ng looks ko before and after the exam. Malamang Jubby Chen nanaman ako afterwards.
Moment ko na rin magkalkal ng college books, materials, notebooks at kung anu-anu pa. Siurado mag-eemote moments ako nito dahil mabubuksan ang mga lumang alaala.
Moment ko na mag-internet, kaya nga andito ako ngaun diba?
Moment ko na rin magpafull body massage, two weeks ko na ito pina-plano,sana nga magawa ko na ito mamaya jan sa Cubao.
Moment ko na mag-moments-of-lab, kaso lang ang pinakamamahal kong violin eh wala na sa tono, at ang kawalan ko ng practice ng 3 months ay talagang nakapag-kapoof ng skills ko dito. Kya pag-iisipan ko kung itutuloy ko ang moment na ito.
Gusto ko rin sana mag-moment sa Enchanted Kingdom. Gusto ko sakyan lahat ng rides at magpaka-hilo. Kaso malabo gawin ito.
Siguro sapat na ang mga moments na ito sa araw na ito. I only have a day to live these planned moments.
Nilalabas ko na ang aking kadaldalan, at kung sakaling bigla akong tumahimik, eto ay dahil sa seryoso na akong mag-aaral.
Eto ang moments of thoughts ng isang bagong gising na nagsisimula na mangarap.
Papasa ba ako sa exam o hindi?
Hindi ko alam
ang alam ko lang I will do my best and God will do the rest according to His will.
[ngiti lng lagi]
KIOKS!

(August 13, 2008)

No comments: