14.4.09

186: Pilipino Ako!

Mga samu’t saring tula

Na Aking nilikha

Upang gunitain

Ang Buwan ng Wika


TULA [Revival 2008]

Sa pagsusulat ng tula
Sa pagbasa at pagkatha
Saan huhugutin ang bawat salita
Na ilalatag sa talata
Madalas kathang isip
Minsan katotohanan
Pero saan nga ba ito nakukuha
Sa isip ba o kaluluwa?Bakit ba tila
Ang lalim ng aking Tula
Hindi ko maintindihan
Ang aking pagiging makata

Siguro nga ay wala lang ako magawa
Lalo na at mgulo ang aking utak
Siguro dapat na nga akong matulog
Bukas, sa trabaho, ako ay may pasok pa

Teka, teka, teka, aking naalala
Bukas nga pala ay bakasyon muna
Walang batang makulit, at mga pasaway na paslit
Happy, happy muna kami ni kaibigang Dane




“BANGON NA PILIPINAS! MASARAP ANG ALMUSAL!”

Minsan ko na nabasa ang katagang ito sa isang libro.

Almusal – masarap ang almusal ng Pinoy.

Mainit na pandesal na isasawsaw sa kape.

Amoy pa lang, kanin at ulam na. Masarap!

Handa nanaman sa pagsugod sa panibagong araw.

Naisip ko – kung ganito ang diwa ng bawat Pilipino

Mainit na PusongPinoy na isasawsaw sa napakayamang lupain ng Pilipinas,

Ang sarap langhapin, ang sarap lasapin, ang sarap lunukin,

Parang handa nanaman sa panibagong pagsulong ng bansa.

Bangon na Pilipinas! Masarap ang Almusal!

Ang pagiging Pilipino natin ay Kaloob ng Diyos.

Bilang Pilipino na sa kahit saan man sa mundo ay patok

O sa magagandang dagat man at matataas na bundok

Bangon na Pilipinas! Masarap ang Almusal!
Ang lahat sa atin ay nakahain na
Ating lasapin ang pagiging Pilipino
Ang tunay na yaman ng Pilipinas

PULA, ASUL, DILAW at PUTI?

Pula, Asul at Dilaw

Pangunahing Kulay ng bandila ng Pilipinas?

Ang sagot mo ay wagi.

Ito rin ang tatlong pangunahing kulay o “Primary Colors” sa ingles.

Kung pagsasamahin ang tatlong ito, samu’t saring kulay ang mabubuo.

Gayon din sa ating mga Pilipino:

Pula para sa pag-ibig sa bansa at sa kapwa

Asul para sa katapatan at kalayaan

Dilaw para sa mga masasayang ngiti at pananaw natin sa buhay

Kapag pinagsama ang mga katangiang Pinoy na ito,

Tiyak na sa buong mundo tayo ay lalago!

At ang puti?

hindi ito tinuturing na isang kulay,

ito’y pantay sa anumang bagay,

Ito ang nagsisimbulo ng Pinakadakila sa lahat.

Ang kadakilaan ng ating Panginoong Lumikha

Kung wala Sya, wala rin saysay ang lahat.

Kaya matuwa ka Pinoy dahil Pinoy ang kulay mo!

Sa katangian mong Pula, Asul, Dilaw at Puti

Na kaloob sa atin ng Dakilang Lumikha,

Maraming bagay ang iyong mamimithi!

Pula, Asul, Dilaw at Puti!


“GOD BLESS OUR TRIP”


Ito ang karatulang karaniwang mababasa sa Jeep o pampublikong sasakyan.

Sa taas ba naman ng pamasahe ba naman ngaun, nais ko talaga banggitin yun. (oops! walang ending) heheh! Sana may manlibre ng pamasahe. Kioks!

[JM] Kanya-kanyang trip lang yan. Still. God bless our trip!

(August 23, 2008)

No comments: