14.4.09

192: Reviewing The Review

Moment ko na mag-draft ng Interior Design plate, pero hindi pa natuloy. Wala kaming exam stub ni Heidi na galling sa PRC, kaya ayun, sumugod kami dun. Una, naisip ko, siguro eto na yun God’s way para makapaghanda pa ako ng matagal at next year na lang mag exam. To be honest, mas gusto ko na wag mag-take, so many informations na hindi ko talaga naaral.
It doesn’t show, even to myself, na kabado nga ata ako. Eton a nga ang tanging chance ko makapagdesign, naudlot pa! Paano na?
Inisip ko siguro hindi talaga ako pang board exam, ang daming hadlang. Hay, kaya ayun, umuwi ako ng hindi oras at pumunta ng PRC. Pag dating doon, eh ayous naman pala kahit walang stub dahil nagbago na ng system ang PRC. Toklay naman talaga oo!

Wala ring excitement at hindi rin relieved. “Ok…” yun lang ang tumakbo sa isip ko.

Mukhang tuloy na tuloy na ang exam, schedule and location na lang ang kulang. Kung para sa akin ang exam na ito, magagawa ko.

Nag-enjoy at nagkwentuhan na lamang kami ni Dei sa pinakamalapit na McDo. Kung hindi matutuloy ang exam, nakapanghihinayang ang binayad at mga nagastos sa PRC, requirements, kagamitan at pinaghalong worries at oras na inugol sa pag aaral. Nung una, hindi ako nanghihinayang, pero ngayong nakapag-isip na ako, nakakapanghinayang nga. (Hay, masakit na ulo ko ngayon.)

Pag –uwi ko, dumaan muna ako sa isang internet shop para mag unwind at i-upload ang latest comic-artwork ko. Kaso lang, another story chapter for the day, may nag-hack ng Friendster ko. Ayun, hay nako naman talaga oo! Wala na akong magagawa pa, nabura na ang mga nabura at hindi na maibabalik pa. Sana, system lang ng Friendster ang nasira at inisiip ko lang na may nag-hack ng Friendster ko. Kaso, wala na akong magagawa pa kung hindi isigaw ang frustration ko sa GM. Na-wrong group send pa nga ako, bukod sa BS. Hrrr…. Saying naman talaga ang mga nabura.

Nag-reply si DV, at nagtanong kung tapos nab a ang board exam ko, at syempre mejo naulit ang kwento ng problema sa PRC… naalala ko lang sa bandang gitna ng usapan sabi niya, “Gamitin mo lang ang ultimate technique” Naisip ko, “Dasal”

Pero sabi nya yun Hebrews 11:6, “Without faith, it is impossible to please Him.”

Makalipas ang 1 hour, tsaka ko lang ninamnam ang mga salita… oo nga naman, dasal ako ng dasal, pero minsan parang hindi ko pinapaniwalaan na matutupad ang dalangin ko. Kaya siguro, eto, tuliro ako. Pumasa man ako o hindi, mas masarap ang masabi na nagtiwala ako kay God sa pagsusulit na iyon kesa sa nakapaghanda nga ako ng isang taon at nakapasa dahil sa nakapag-aral ako. For God’s greater glory and grace, papasa ako!

Naisip ko tuloy, kung faith exam ang nangyari sa problema ko sa PRC kanina, malamang bagsak ako. Tsk!

Alam ko mababa ang self-confidence ko, pero kanina, kung susuungin ko nga ang exam na ito na umaasa sa malfunctioning brain and attitude ko, siguro nga nararapat lang ako na bumagsak. Kung tatakbuhan ko ang exam na ito, simple lang ang sagot, umaasa lang kasi ako sa sarili kong karunungan.

Tama, ngayon ko lang naisip, binigyan ako ng Diyos ng kakayahan sa field na ito, sa mundo ng disenyo, at alam ko bibigyan rin Nya ako ng kakayahan sa pagsusulit na ito. Nung una, ang naiisip ko, magkakamilagro sa araw ng exam at lahat ng alam ko ang sagot

ang lalabas na mga tanong. Masaya sana yun, pero may mas magandang paraan, ang mabiyayaan ka ng kakayahan. Ayoko na sayangin ang meron ako, kung negosyo ang ability na ito, na bankcrupt na ako. Pero hindi pa naman huli para bumangon uli. Kahit umuulan ang panahon ngayon, nanjan lang ang araw sa tabi tabi, kaya nga makulimlim man, nakakakita pa rin ng maayos.

Magdasal ng may pananampalataya at all times… yun ang bumatok sa akin ngayon.

Walang binatbat ang payo ni Archi board passer. Hehehe… Toklay ka talaga JM!

I don’t know what will happen, an exam is an exam. Everybody is trying their shot, and I am going to take as many shots as I needed.

May mga nag take at pumasa

Meron ding bumagsak

May mga nagreview school na bumagsak

At meron ding nag self-study na pumasa

Hindi ko alam kung may nag-take na nagkaroon ng brain damage

Pero kung sakaling wala pa, ako ang mauuna

Iba’t Ibang sitwasyon

Iba’t ibang resulta

Pero, ngiti lang

God is in control di ba?

Ang emote ba over a board exam? Deal with it. Ako ito. [Just Me]




(September 29, 2008)

No comments: